Simula sa darating na Nobyembre, maaari nang mag-apply ng electronic visa ang mga Chinese national sa ilang Philippine diplomatic offices sa buong China.
Ayon sa Philippine Embassy sa China, layon ng naturang hakbang na lalo pang mapatibay ang people-to-people exchange ng China at Pilipinas, gayundin ang pagpapalakas ng turismo at kalakalan ng dalawang bansa sa kabila ng isyu ng pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.