Inilahad ni Health Sec. Teodoro Herbosa sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa panukalang budget ng DOH na mayroong ilang pasilidad ng ahensya ang hindi nagagamit dahil hindi natapos ang konstruksyon ng proyekto.Sa pagsisiyasat ni Sen. Risa Hontiveros, lumutang ang pangalan ng mag-asawang Pacifico at Cezarah Discaya.