Patuloy ang isinasagawang assessment ng Office of Civil Defense Region 1 matapos maramdaman ang 4.4 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng La Union at karatig-probinsya ng Pangasinan.
Tinututukan ng mga awtoridad ang mga bayan kung saan pinakaramdam ang pagyanig upang tukuyin ang mga pinsalang idinulot nito sa mga gusali at imprastraktura.