Patuloy na minomonitor ng Philippine Navy ang presensya ng mahigit 30 barko ng Chinese Coast Guard at mga warship ng People’s Liberation Army Navy sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa Navy, wala naman silang naitalang untoward incident sa kabila ng presensya ng mga barko ng China sa lugar.






















