Nasunog at iniwan ng crew ang Dutch-flagged cargo ship Minerva-Graht matapos tamaan ng missile attack ng Houthi rebels sa Gulf of Aden, Yemen nitong Lunes.
Ayon sa mga opisyal, dalawang marino ang sugatan sa insidente kaya agad na inilikas ng helicopter ang lahat ng 19 crew members mula sa Pilipinas, Russia, Sri Lanka, at Ukraine.